TagaMasid

ang sarap sarap nito ahaha…. sana wag maubus ung asa bahay ngayon waha

ang sarap sarap nito ahaha…. sana wag maubus ung asa bahay ngayon waha

10%VAT PAGBIGYAN

KAhapon ang transport caravan sa buong bansa at inaasahan ng marami na magiging maluwag ang kalsada sa boung kapuluan at magkukulang ang sektor ng transportasyon. Subalit ang inaasahan ng MMDA ay hindi nangyari. Hindi man lang nga nagamit ang kanilang mga inihandang truck na magsisilbing alternatibong sasakyan ng mga manggagawang maiipit sa naganap na caravan at ito ay ayun mismu kay MMDA chairperson Tolentino.

Kahit patuloy na tumataas ang presyo ng petrolyo ay mas minabuti ng iba nating mga tsuper na ipagpatuloy na lang ang kanilang buhay sa araw na yun kaysa makisama sa mga kasamahan nilang tsuper at mga kundoktor. Mas inisip nila angĀ  kanilang mga pamilya, ang kakainin ng mga ito kung hindi sila papasada. Marahil mas minabutina lang ng ating mga magigiting na tsuper na ipag pasa Diyos na lang ang pag taas ng presyo ng petrolyo dahil alam nilang wala na silang aasahan na tulong sa gobyerno.

Kagabi ay napanuod sa mga telebisyon ang panayam kay Sen. Ralph Recto, ang may akda ng pag papataas ng VAt nuong 2004. Ayon mismu sa kanya ay sumasangayon siya na pansamantang ibaba ang 12% VAT sa 10% para maka tulong sa ating mga tsuper at mga commuters. Sanay muling mabuksan ang usapin ng VAT sa senado.

hindi na ba kami ang Boss?

Na naman? Yan ang reaksyon ng halos lahat pag sinabi na magtataas muli ang presyo ng gasolina. Lingo lingo na lang ay nagtataas ang prseyo nito sa international market at pinapasan ng lahat ng tao ang pagtaas nito. Mula sa mga pinaka mayayamang tao hanggang sa pinaka maliliit na tao sa lipunan ay ramdam ang pagtaas ng presyo. Pero sinu ba ang nakikinabang sa lahat ng pagtaas na ito? Habang tumatataas ang angkat sa produktong petrolyo ay tumataas rin ang kita ng kaban ng bayan. Paano? Dahil sa VAT (value added tax) na ipinapatong ng ating gobyerno sa bawat litro ng ating binibiling petrolyo. Bakit nga ba hindi ikunsidera ng Pangulo ng ating bansa ang iminungkahi ng isa sa mga eksperto pagdating sa ekonomiya. Bakit nga ba hindi ibaba ang 12% VAT sa 10% pansamantala habang pataas ng pataas ang presyo ng petrolyo sa Gitnang Silangan kung saan tayo umaangkat. Sa huling ulat ay umabot na ng 128$ kada bariles ang petrolyo sa world market at patuloy pa rin ang pagtaas nito.

Hindi ba sinabi noon ni Pangulong Aquino na tayo ang “boss nya”? Hindi ba ang boss ang dapat masusunod? Hindi ba maari na kahit sandali ay tulungan niya at ng gobyerno ang mamamayang Pilipino sa pagpasan ng problema ukol sa petrolyo?

Habang lumalaki ang kita ng gobyerno ay naghihirap naman ang mga mamamayan nito.

AMA: Saang Banda?

Hindi ba ang ganda sanang tumulong sa mas nangangailangan. Hindi ba nakakagaan sa loob namay natulungan ka kahit isa sa loob ng maghapon. At ang sarap sa pakiramdam pag may nagsabi sayo ngsalamat.

kaninang umaga ay nabulabog ang aking pagkain ng mga batang kumakalampag ng tarangkahan ng aming bahay. Mga Badjao na bata pala ang nagdala ng masakit na ingay sa tenga. “PAGKAIN” yan ang salitang binibigkas ng dalawang batang babae habang papalapit ako sa kanila. Kaya muli akong pumasok at kumuha ng biskwit para iabot sa kanila. matapos kung iabot ang pagkain ay humingi naman sila ng kape. “KAPE kuya, pange ng kape”. Natawa ako sa sinabi ng nakatatandang bata. Oo nga naman, nagbigay ka na ng biskwit bakit hindi apa nagbigay ng kape, ang sabiko sa sarili ko.Kaya ipinagtimplako sila ng kape at iniabot sa kanila. Pero biglang humirit ulit sila, “KANIN kahit bahaw”, napahalakhak ako ng tawa. Oo nga naman, nagbigay ako ng kape, bakit hindo ko binigyan ng sasabawan at sakto talaga na bahaw na kanin ang hiningi nila na tamang tama sa mainit na kape. kaya sa mulikung pag aabot sa kanila ay dinagdagan ko na rin ng pang ulam ang kanin, baka kasi pabalikin na naman nila ako =)

INIS. yan ang aking naramdaman dahil ng aking iabot ang pagkain ay isang matandang lalake na nasa edad 30 pataas ang kumuha ng aking dala na para sa mga bata. Hinablot nya ang plato na may lamang kanin at ulam at inumpisahang kainin na para bang hindi nakakakain ng ilang araw. Pinagmasdan ko ang lalaking iyon kung kanyang bibigyan ang mga bata na wari ko ay kanyang anak. oo, binigyan niya ang mga ito ngunit kakarampot ang ibigay niya sa mga ito. at hawak hawak nya ang biskwit na una kong iniabot sa mga bata at ang kape na isinalin nya sa kanyang lalagyan. Dali dali nyang inubus ang kape at iniabot sakin ang lalagyan at sinabi na “TUBIG, bigyan mo ako ng tubig”. Kumuha ako ng tubig at iniabot ko sa kaya sabay sabing “pakainin mo ang mga bata”.Sinubuan nya naman ang mga ito at pinainom. Matapos makakain ay umalis na sila.

Napaisip tuloy ako, bakit ganun ang amang iyon, hindi ba dapat ang kapakanan ng mga anak niya ang iniisip na una. Ang sinasabi ng mga magulang na “isusubo na lang ay ipapakain pa sa mga anak nila”. Ngunit sa aking nakita kanina, ginamit pa ng ama ang kanyang mga anak para maka kuha ng pagkain siya. Ginamit niya ang kamusmusan ng mga bata para sa kanyang kapakanan. Isang katangian na dapat hindi tularan ng mga padre de pamilya at mga nagbabalak bumuo ng sariling pamilya.

draft ng flash na aking dapat matapos this week..

draft ng flash na aking dapat matapos this week..

Pasko na sa bahay…wahahahaha

Pasko na sa bahay…wahahahaha

Elegance! pinaka paburito ko nang kuha ni Sharon Cuneta to..

Elegance! pinaka paburito ko nang kuha ni Sharon Cuneta to..

(Source: thecyberniche)

Wow! i like the story… nice!

Wow! i like the story… nice!

(Source: misisdef)